Tuesday, September 3, 2019

WIKA MO. WIKANG FILIPINO. WIKA NG MUNDO.WIKANG KATUTUBO

Buwan Ng Wika Celebration

         
   
Related image
          Para sa taong 2019 sa buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wikang Pambansa na tampok sa temang " Wikang Katutubo:Tungo sa isang bansang Filipino" na ipinapahayag na dapat nating pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130 katutubng wika ng Pilipinas.

          Sa ating pagkakataon, itutuon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa mga katutubong lengguwahe dahil "kung hindi natin ito aalagaan, manganganib ito at kung pababayaan, maaari pang maglaho ito ng tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika, tila may isang tahanan on kamalig ng ating ala-ala at tradisyon ang nawala at di na mababawi kailanman".Dahil dito, ang pagpapahalaga ng wikang katutubo ay katumbas na rin ng pagpapahalaga sa mga kapuwang Pilipino nagmula sa ibang tradisyon.

          Malinaw na ang Wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan na pakikipag-usap sa kapuwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon atb pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa ating kapaligiran at higit sa lahat sa ating bansa.

          Ang Wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ngf isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang rao kung sino tayo.

          Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay s magandang ugnayan. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas at matatag na Pilipino ang ating sariling wika ay regalong dapat pakaingatan para na rin sa susunod pang mga henerasyon. Ugaliin itong gamitin at ipagmalaki saan man tao makarating. Laging palatandaan na ang wika ang sumisimbolo sa ating pagkapilipino. Ang Wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.

          Kaya ang "Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay payabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.    




No comments:

Post a Comment