Friday, November 29, 2019
Values Month Celebration
Pamilyang Pilipino patatagin. Susi sa paghubog ng kabataang Maka-diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa:
"Pamilya'y susi upang bata'y maging mabuti". "Pamilya'y mahalaga upang anak ay maging responsable!". Ito ay nagpapahiwatig na ang Pamilya ay importante at dapat na patatagin para rin sa ikabubuti ng lahat. Ang ating mga tahanan ay tumatayong una nating mga paaralan, mga magulang na nagsisislbing ating mga guro, at mga kapatid na nagiging ating mga kamag-aral. Malaki ang ginagampanan ng Pamilya sa ating buhay, sila ang dahilan kung bakit tayo nahubog sino man tayo ngayon, kung bakit tayo nagtataglay ng mga mabubuting asal na meron tayo. Kaya napakahalaga na ang bawat Pamilyang Pilipino ay maging matatag, gawing pundasyon ang pagmamahal, respeto at pagtanggap.
https://www.google.com/search?q=values+month+celebration&sxsrf=ACYBGNRh74cGA4lG6bAI8D-fPKVEjYNGlg:1575274131534&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjgqaK4wZbmAhULGaYKHW0cCJEQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=ZJOiqHiv8k5N2M:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment